2
Paano ko sasabihin
ang pagkatakot sa 'yo, Maynila?
Sa pagkagat ng mga ngiping nagaabang
sa mahinagpis na teritoryo ng mga halang
natatandaan mo pa ba kung saan mo ikinalat
ang mga patibong?
Malay ko ba kung ano nang mga pangil
ang hinahasa ng mga ginutom.
Ordinaryong manonood lang ako ng T.V.
naniniguro lang ako. Sikat ka na kasi eh.
Nagbabayad pa rin ako ng tama
sa iyong mga bus kahit dinadaya.
Sanay na ako, sabihan kita Maynila
sanay na ako sa ugali mo.
Hindi ako palareklamo, ayoko
ng magulo, mabait ako.
|