Poetry Fiction Essays Gallery U.P. Quill
Message Board

return to Poetry main
Puhilista
(from UP Quill's Sitting Amok: 8)


Bunuang de kutson, tuligsa
mo sa boksing. Matematika
ito ng puwersa, ilag ko
sa sunggab mo
para sa remote control.
Manonood ka ulit ng mga atake
sa kusina -- paano
kalkulahin
ang kulo ng am, paano ilagan
ang tilamsik ng mantikang talim.
"Ba't hindi mo na lang tanghudan
ang buntalan ng mga agrabyado,
dungawin sa kalyehon?"
Lampang bigwas
ang tanong. Tumatantiya. Hindi ako
nito mapatataob. Gamay ng tikom
na kamao ang iwas-hidwa. Kay tatag
ng mga kapitang lubid.

--by Ronaldo T. Santos

Ronaldo T. Santos is a Creative Writing major and is currently taken. Composer and vocalist for The Purplechickens, he dreams to become a Rey Valera someday.

other works:
Poetry
The Sentence
Discuss this poem here